14 October 2009 | By: whoistata

Ang Sumpa

Sabe nila konti lang or almost wala daw nakakasurvive sa sumpa ng long distance relationship. Kahit pa daw gano nyo kamahal ang isa't isa at gano katagal ang pinagsamahan nyo, pag sobrang laki na nag distansya nyo sa isa't isa, hindi rin kayo magtatagal. Siguro sa mga unang buwan, madalas kayo magkausap sa ym or magkatxt, madalas magtawagan, madalas lahat. Sa mga oras na yon, maiisip mo na magsusurvive kayo, na tutupad sha sa pangako nyang maghihintay, faithfully.. Na magpapakasal kayo sa pag-uwi mo. At marami pang ibang masasayang bagay na pagsasaluhan nyo pag magkasama na kayo ulit.

Pero pagkatapos ng tatlo gang limang buwan, mararamdaman mo na. Hindi na sha ganun kadalas magtxt or dumadaan na ang mahigit sa isang araw na hindi ka man lang nya naaalala itxt, madalas na shang nakakatulog pag magkausap kayo, madalas shang late umuwi ng bahay dahilan para hindi makapag-online at magkausap kayo, or mararamdaman mong parang sawa na sha o wala na shang ganang kausap ka at kung anu anu pang mga bagay na hindi mo naman naramdaman nung mga unang araw na magkalayo kayo..

Sabe din nila, hindi mawawala sa isang side or both sides ung tumingin ng iba, sa una.. Malalaman mo na lang, wala kana pa lang babalikan pag-uwi mo kasi wala ng nag-aantay sa pagdating mo. Kasi nga sabe nila, long distance relationship doesn't works. Kahit pa kasal na kayo, at lalo naman kung nde kayo kasal. Masasaktan ka lang pag umasa ka dahil pinaniwala mo ang sarili mong hindi totoo ang sumpa.

Kung maririnig mo silang magsalita at mag-usap, mawawalan ka talaga ng pag-asa. Mas lalong babalutin ng takot ang takot mo ng puso. Mas panghihinaan ka ng loob, at kung mamalas-malasin ka pa baka maiyak ka lang magdamag sa kakaisip na posibleng mangyari ang lahat ng negatibong bagay na narinig mo.

Masakit isipin, masakit marinig, at mas lalong masakit maramdaman ang sumpa. Pero kung hahayaan kong manalo ang sumpa ng wala akong laban, parang naging ako na mismo ang sumpa. Kahit pa may mga oras o araw na natatakot ako at nag-aalinlangan, ayokong magpatalo. Kasi alam ko mahal namin ang isa't isa at walang ibang magtatanggol sa aming dalawa, kungdi kaming dalawa lang din.

Deep inside him, alam ko at nararamdaman ko mahal nya ako. At ganun din ako sa kanya. Kaya ang sabe ko, hindi ako susuko. Oo matatakot ako, panghihinaan ng loob pero hindi ako susuko. Makita mo man akong umiiyak at nasasaktan, lalaban ako sa kung anu mang sumpang dala ng long distance relationship. Kasi mahal na mahal kita.

So, help me God..

0 comments: