27 November 2005 | By: whoistata
From Rave to Rant

Kahapon ng gabi, sinundo ako ni Sidney para magbonding. Bonding saan? Dinala nyako sa Marikina River Park since never pako nagawi dun (too bad no pictures were taken kasi *blah blah blah*). Unfortunately, umulan pero buti na lang ambon na lang pagdating namen dun. Then mejo tinour nya muna ako dun, tapos bumili sha taho since mejo malamig nung time na un kasi nga umulan, share kame. After a while ng palakad lakad, nagpunta sha sa me nakatambay na bangka habang nakasunod lang ako. Nakikinita kinita ko na na magboboat ride kame, sabe ko ayoko sumakay (ee takot ako sa bangka though malake naman sha). Kaya lang ala nako nagawa nung sumakay sha sabay aya saken, kaines sabe ng takot ako ee dba?.

Siguro mga 60-70 persons ang capacity nun, tapos P10 per person, ang ruta nun ee dun sa kabilang side ng River Park since nakakatamad at nakakapagod libutin ung kabilang dulo ng Park dahil malayo. Sabay holding hands habang binabaybay ang kahabaan ng river tska habang malamig ang simoy ng hangin. Habang tinutukso ako ni baby na tuwang tuwa daw ako, hehe. Nde nya lang alam, makasama ko lang sha, masayang masaya na ako. Anyways, pagdating namen sa kabilang side, naglibot libot tapos nagshare sa footlong, chicken balls at vanilla shake. Tapos nag-isaw pa kame. Bar hoppin sana kame sa Bonchalet kaya lang puno ee. After ng marami pang moments, inihatid nyako pauwi, kahit na ininsist ko na nde na lang ako pahahatid kasi from Marikina to Bambang then Bambang to Marikina pa gagawin nya.

Ayaw pumayag ee, so mga 12:30AM na kame dumating dito sa bahay. Tapos mga past 1AM na ren sha nakauwi sa Marikina. Nagtxt pa kame before kame matulog, about sa lakad kinabukasan, na ang call time ee 2-3PM after ng binyag na pupuntahan nya. So after that natulog na kame, binaon ko hanggang sa pagtulog ung kilig at sayang naramdaman ko habang magkasama kame ng gabing yon.. Masaya ako, masayang masaya..

Kinabukasan, nagising ako sa mga txt nya. Gaya ng napagkasunduan, inantay ko sha ng 2-3PM. Aba! Nde dumating, ni walang txt or reply ng mga time na yon sa ilang ulit kong pagttxt sa kanya. Hanggang sa dumating ang 7:45PM, tsaka pa lang nag-ring ang fone. Si baby nasa kabilang linya, at that time inis na inis nako. One way to surely piss the hell out of me is ung paghintayin ako ng ganun katagal na wala man lang ni isang abiso. Ang nangyare? Pasigaw ko shang nakausap sa fone habang nagbibigay sha ng mga bullshit nyang reasons. BULLSHIT TALAGA! Binagsakan ko pa sha ng fone sa sobrang inis ko.. At dumaan pa pala sila ng baywalk ha, na kung nde umulan ee malamang nde na maaalala na me nag-aantay sa kanya..

Dumating sha sa bahay ng mga 8:30PM, pinagexplain ko, nde man lang nag-sorry tapos bibigyan pako ng reasong BULLSHIT! Okay, naiintindihan kong nagloloko ang battery ng celfone nya. Ang nde ko maintindihan ee kung baket nde man lang sha nakitawag/txt sa pinsan nya, or nakihiram ng fone, or nag-pay fone nalang, etc etc etc.. Andameng paraan ee para maabisuhan ako na late na shang darating, na SUPER LATE shang darating pero nde nya ginawa. Ano? Sa tingin mo ba nakakatuwa yon? Na tama yon? At ulitin na naman sa pangalawang pagkakataon tong gantong bagay, gayong pinangako mong nde kana uulit? Aminado sha na mali ginawa nya, tapos ni nde man lang nag-sorry ng kusa. Ano un? Ewan koh, nde ko talaga maintindihan..

It only takes 1 valid reason and sincere sorry to calm me down baby (at shempre soulful hug).. Pero wala ee, sigh..

Pero gaya nga ng sabe ni Mec: if you love the person, saying goodbye is never an option. Na nasa aken paren kung susuko ako o hinde, kumabaga sa laro; gameover or continue?, sa nobela; the end or to be continued?, sa pag-ibig; give up or try again?. Pagsubok lang saten lahat ng toh baby, pagsubok lang.. At ang pinaka-ending paren ng lahat ng ito, mapa-rave man or rant ee mahal na mahal ko ung tao, at dahil sa pagmamahal na un kinakaya kong intindihin ang lahat ng nde ko maintindihan sa kanya, sa sarili ko at sa relasyon namen.. Sana lang marealize nya un..

Ikaw, hanggang saan ang kaya mong intindihin para sa minamahal?


P.S. Pasensha na sa mga bad words na ginamet ko. Masama lang talaga loob ko, most of the time I don`t mean it, lalo na pag galet ako.. Dito na lang kasi sa blog ako nakakapagmura ee, hehe.. Sorry po.

0 comments: